Iniibig Ko

I.
Naalala mo pa ba
Nung tayo'y unang magkita
Pinilit kong ayaw dinggin
Ang sigaw ng damdamin

II.
Dahil alam ko na bawal
Ang ma in-love sa iyo
Dahil ako'y nakatali na
Sa altar ng Poon

Cho.
Ngunit ako ngayo'y atat sa iyo
Makita ka't mayakap, mahagkan ka ng todo
Oh giliw, tayo'y pinaglayo ng pagkakataon
Ngunit kahit ganon, ikaw parin ang iniibig ko.

Kayat ako ngayo'y sabik sa iyo
Bumalik kung saan tumibok ang aking puso
Kahit ilang taon maghihintay ako sayo
Damdamin kong ito di magbabago. Oh iniibig ko.

III.
Naalala mo pa ba
Nung una kitang niyakap
Feeling ko ay ibang-iba
Sayo ko lang na nadama

Cho.
Kayat ako ngayo'y atat sa iyo
Makita ka't mayakap, mahagkan ka ng todo
Oh giliw, tayo'y pinaglayo ng pagkakataon
Ngunit kahit ganon, ikaw parin ang iniibig ko.

Kayat ako ngayo'y sabik sa iyo
Bumalik kung saan tumibok ang aking puso
Kahit ilang taon maghihintay ako sayo
Damdamin kong ito di magbabago. Oh iniibig ko.

Bridge.
Pilit ko mang itago ang damdamin ko sayo
Ikaw parin ang hanap-hanap, tinitibok ng aking puso

(Repeat Chorus)
Iniibig Ko Iniibig Ko Reviewed by MarkandCharish on 5:11 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.