Pangako ko Sayo

I.
Bakit ba ako'y naghihintay
Sa pagsapit ng gabi
Abot langit ang ngiti
Maramdaman ang pag-ibig
At marinig ang maganda mong tinig.

Ref.
Tunay ngang napakahirap
Hindi kita kayakap
Di mahawakan ang kamay
Habang sabay namamasyal
Sa parke na feeling mo parang langit.

Cho.
Ngunit pangako ko sayo
Na hindi ako susuko
Di hahanap ng iba
Di sisindak sa ganda nila
Basta ipangako mo lang
Na ang puso mo ay akin lamang.

II.
Bakit ba ako'y nalulumbay
Kapag sinabi mo na
May gagawin ka mamaya
Matatapos ng bigla
Ang pag-uusap at tutulo ang luha.

(Repeat Ref. and Cho.)

Basta ipangako mo lang
Na ang puso mo ay akin lamang.
Pangako ko Sayo Pangako ko Sayo Reviewed by MarkandCharish on 9:16 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.